Doctrine of Salvation (Part 1)
“Doktrina ng Kaligtasan “
Ang lahat ng Doctrines ng Bibliya ay tunay na napakahalaga. Subalit ang lahat ng doktrina ay mawawalan ng saysay kung ang Doktrina ng Kaligtasan ay hindi lubusang maunawaan ng isang nagsasabing "mananampalataya".
Napaka rami sa kasalukuyan ang namumuhay ng may pag-aakalang sila ay ligtas na subalit ang totoo ay hindi pa pala. Madami sa mga taong iyon ay mga lingkod pa ng simbahan, mga deboto, mangangaral, at mga taong masasabi natin na mga relihiyoso sa panahon ngayon (taong tapat sa relihiyon). Wala sa relihiyon ang ating kaligtasan
Ang Doktrina ng Kaligtasan ay mahalaga na maunawaan nating lahat ng higit sa tipikal na ideya o argumento na si “Kristo ay namatay upang tayo ay maligtas”. Masakit man tanggapin ang katotohanan at maaaring marami ang mahirapan makatanggap kapag sinabi kong hindi sapat na sabihin mong tinanggap mo na si Kristo upang ikaw ay maligtas, o kaya naman kahit nagpa-baptismo ka na ay hindi ka parin ligtas.
Malalim ang ibig sabihin ng kaligtasan, at may mga mahahalagang bagay tayong mas dapat maunawaan at matanggap upang matiyak natin na tunay at lehitimo ang kaligtasan na ipinapamuhay natin ngayon.
Alalahanin natin na maaaring pare pareho tayong tumatawag sa Diyos subalit ang totoo ay hindi tayo pareho ng Diyos na sinasamba at pinananampalatayahan. Sa mga huwad o pekeng mananampalataya madalas mong maririnig na “ ang mahalga mag respetuhan tayo sa ating mga relihiyon, irespeto naten ang paniniwala at pamamaraan ng iba dahil iisang Diyos lang naman ang sinasamba naten”.
Sobrang mali ang statement na ito at nakakatakot dahil tiyak na napakarami nang mga tao ang napunta sa impyerno at nakatakdang mapunta sa impyerno dahil sa napaka babaw, at napaka walang pagpapahalaga sa tunay na kaligtasanng pahayag na ito. Ilang pa kaya sa kasalukuyan ang mga taong may bitbit ng ganitong paniniwala?.
Maunawaan nawa naten na NAPAKAHALAGA ang pagkakakilanlan sa Tunay na Diyos dahil kung maling diyos ang kinikilala o ipinapamuhay naten ay paano naten matitiyak na tamang kaligtasan din ang pinang-hahawakan natin?.
Hindi ako namumuhi sa mga mangangaral na hindi magawang ipaliwanag at ipaunawa sa mga tao ang kabuuhan at ang mahahalagang aspeto ng KALIGTASAN, ako ay naaawa lamang sa kanila at minsan ay nagtatanong kung bakit hindi na sila nagsusumikap na pag-aralan at ituro ang katotoohan sa likod ng pinaka mahalagang doktrina na ito, ang katotohanan sa pagkamatay ng Diyos para sa atin.
Gayunpaman, bilang nagsasabi na “tunay na tumanggap” sa Panginoon, mayroon kang responsibilidad na lumago at pag-ibayuhin ang pang-unawa mo sa iyong pananampalataya. Sabi sa... John 10:27
“My sheep hear my voice, and I know them, and they follow me.”
Na ang ibig sabihin ay kung tayo ay tunay na tinawag upang maligtas, mararamdaman mo ang pagka-uhaw sa katotohanan, at malalaman mo kung anong katuruan ang tama na naaayon sa Batayan ng Panginoon, kaya kung ikaw ngayon ay tatamarin na basahin ang article na ito, walang duda kapatid na hindi ka pa talaga tunay na tumanggap sa Diyos at nasa maka mundong kaisipan parin ang sentro ng buhay mo.
Bago ako tuluyan mag-tungo sa Doktrina ng Kaligtasan, nais ko munang talakayin ang teksto sa Bibliya na mas kilala bilang “Great Commission” na matatagpuan sa Matthew 28:19-20
19 Go therefore and make disciples of all nations, baptizing them in[a] the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit,
20 teaching them to observe all that I have commanded you. And behold, I am with you always, to the end of the age.”
Ito ang pinaka huling tagubilin ng Panginoon sa mga aspotol sa siya din namang pinagsusumikapan natin magampanan bilang mga tunay na mananampalataya. Subalit napaka raming simbahan na itinuturo ito ng MALI at meron din naman na hindi na ito itinuturo.
Sa maraming denominasyon, ine interpret nila na SA ORAS NA IKAW AY NAKARINIG NA AT TUMANGGAP NA SA PANGINOON AT NAGSISI, NARARAPAT LAMANG NA IKAW AY MAGPA BAWTISMO NA BILANG UNANG HAKBANG SA PAGSUNOD AT MULA DOON KA PALANG MAGPAPATULOY SA PAGLAGO.
MALI PO ANG INTERPRETASYON na ito dahil ang ganitong paraan ay tinatawag na DECISIONISTIC EVANGELISM kung saan ang pastor ay tinutulak na magsisi ang isang tayo na humingi ng kapatawaran na kasalanan na hindi niya nauunawaan ng husto, sa diyso na hindi pa talaga niya nakilala, tumanggap sa kaligtasan na hindi pa talaga niya lubos na pinaniniwalaan at naiintindihan, at magpa baptismo na wala pa talagang pagnanais na sa pagbabagong buhay.
Mali ang nagiging pagtanggap ng isang makasalanan sa Diyos, mababaw, di tiyak, na nauuwi sa maling pagpapa baptismo kaya naman maraming ligaw na kaluluwa ang paulit ulit na nagpapa baptismo dahil paulit ulit din nilang tinatanggap ang Diyos. Paulit ulit na pagtanggap sa Diyos?
Sa pagtungo natin sa pagtalakay ng Doktrina ng Kaligtasan ay ipapakita ko sa inyo kung bakit mahalaga na maunawaan natin ang tunay na pagtanggap sa Diyos, na siyang nagbibigay ng Tunay na Kaligtasan, and Kasiguraduhan ng Kaligtasan or Assurance of Salvation.
Umpisahan na naten ang ating pag-aaral sa tanong na…
Who is GOD? (Sino ang Diyos?)
Mahalaga na malaman at mintindihan naten ng maigi ang tanong na ito upang mas malinaw naten matukoy ang tunay na papel ng Kaligtasan sa buhay naten, bakit kinailangan natein maligtas, bakit tayo nalagay sa sitwasyon na dapat tayo maligtas (condemned state), at papaano tayo maliligtas. Sasagutin naten ang tanong na ito sa 4 (apat) aspeto.
1. Creator - creation Relationship
1. Creator (Tagapaglikha)
Siya ang may likha ng lahat, at kasama sa mga nilikha niya ang TAO. Sa pagkilala naten na tayo ay isa lamang likha ng Diyos, dapat naten maunawaan ang relasyon naten sa kanya. Kung masyado nang tumaas ang tingin mo sa iyong sarili, sigurado akong masasaktan ka sa mga sunod mong mababasa sa pagtalakay natin sa relasyon naten sa Diyos bilang kanyang nilikha
Sa aspetong ito ay talakayin naten ang Creator-creation relationship upang makita natin ang ULTIMATE RIGHT (Karapatan) OF GOD.
Creator: Bilang tagapag likha siya ang Nag-iisang may KARAPATAN sa lahat ng kanyang nilikha. Katulad lamang ng tao na ikaw ang may karapatan sa lahat ng bagay na iyong malilikha gamit ang iyong kamay at isip. Kahit anong gawin ng Tagapag-likha sa kanyang mga nilikha ay pwede, nasa kanya ang lahat ng karapatan. Walang tanong ang pwede ipukol dahil siya ang may akda ng lahat.
Creation: Ang tao, bilang likha ng Diyos ay walang ibang dapat gawin kundi magpasailalim sa kanyang nais, samabahin Siya, luwalhatiin Siya, Siya lamang at wala nang iba. Walang ibang bagay (idolatry) o tao na dapat sambahin at parangalan.
Wala tayong karapatan kwestyunin ang ating Tagapaglikha dahil kahit kailan ay hindi magiging pantay o ni aabot sa kalingkingan ng isip ng ating Tagapaglikha ang ating pag-iisp. Katulad na lamang ng isang robot na kahit anong galing,husay, at kamangha-mangha ay hindi parin mas tatalino o ni pumantay sa gumawa sa kanya.
Tayong mga nilikha niya ay walang ibang pagpipilian kundi magpasailalim sa kanyang kagustuhan, purpose, at plano para sa atin. Walang halaga ang anumang likha kung hindi siya mag fa function kung papaano siya ginawa, para saan siya itinakda mag function ng kanyang tagapag-likha. Ganoon tayo.
Samakatuwid:
Kung titingnan at tatanggapin natin ang katotohanang ito, sa unang aspeto palang ng pagkilala naten sa Diyos sa pamamagitan ng Creator-creation relationship ay makikita natin na bigo, sablay, at palpak na kaagad ang sangkatauhan. Romans 3:23 for all have sinned and fall short of the glory of God,
Romans 3:10 as it is written: “None is righteous, no, not one;
Walang karapatan magmalinis ang mga nagsasabing mananampalataya dahil kahit sila ay bigo din sa katotohanan na ito.
At dahil sa bigo tayong gampanan ang ating pagiging likha, nasa sa ating Tagapag-likha naman ang lahat ng KARAPATAN upang SIRAIN, PATAYIN, AT SUNUGIN SA DAGAT DAGATANG APOY katulad na lamang sa nakasaad sa Romans 1:21 to 32 na nagpapakita kung gaano kalapastangan ang tao maging ang mga taong nagsabing kilala nila ang Diyos subalit ibang Diyos ang sinamba nila na itinulad nila ang Diyos sa tao na siyang maaring magkamali at madungisan.
Ganyan kalapastangan ang mga tao,ganyan din ang marami sa atin. Kaya dahil dito makikita natin na wala na tayong pag-asa maligtas. Subalit naibigay parin sa atin ang PAGKAKATAON at ito ay hindi natin makakamit sa mabuting gawa natin bagkos sa grasya or GRACE ng Panginoon.
Sabi sa Romans 11:6 But if it by grace, it is no longer on the basis of works, otherwise grace would no longer be grace.
Conclusion sa unang aspeto:
Wala tayong gawin ipakita pamamagitan ng gawa upang mahupa ang galit ng Panginoon sa pagigi nating lapastangan. Sa unang aspeto ng pagsagot kung sino ang Diyos at sa kanyang pagiging Diyos, tayo ay bagsak at patay na kaagad kung tutuusin. At sa mata ng ating Tagapag-likha tayo ay patay na.
2. 2. LAW OF GOD (Batas ng Diyos)
Ang Diyos ay may mga Batas na tiyak akong alam nating lahat. Bagamat hindi natin lahat ito kabisado ay alam na alam natin na meron talaga. Kahit ang isang paslit ay alam kung ilan ang mga iyon.
Ang 10 Utos ng Diyos ay ibinigay Niya sa kay Moses para ihayag sa sangkatauhan upang gawin sundin para sa kanyang kaluwalhatian. Nakakalungkot dahil sa sampung utos ng Diyos ang pinaka tiyak na siyang natatandan lamang ng marami sa aten ay yung SAMPU subalit wala na tayong alam sa mga UTOS.
Kaya bago ako magpatuloy sama sama natin balikan muna kung ano ba yung mga utos na iyon. Nakasaad ng dalawang beses ang mga Utos ng Diyos sa aklat ng Deuteronomio at Exodo.
Ang Sampung Utos
(Deuteronomio 5:1-21)
1 Ang lahat ng ito'y sinabi ng Diyos:
2 "Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na naglabas sa iyo sa Egipto at nagpalaya sa iyo mula sa pagkaalipin.
3 "Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.
4 "Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. 5 Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi. 6 Ngunit ipinadarama ko ang aking pag-ibig sa libu-libong salinlahi ng mga umiibig sa akin at tumutupad sa aking mga kautusan.
7 "Huwag mong gagamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni Yahweh na iyong Diyos. Tiyak na paparusahan ko ang sinumang gumamit nito nang walang kabuluhan.
8 "Lagi mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Pamamahinga. 9 Anim na araw kang magtatrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin. 10 Subalit ang ikapitong araw ay para kay Yahweh na iyong Diyos; ito ay Araw ng Pamamahinga. Sa araw na ito'y huwag magtrabaho ang sinuman sa inyo; kayo, ang inyong mga anak, mga aliping lalaki o babae, ang inyong mga alagang hayop, ni ang mga dayuhang nakikipamayan sa inyo. 11 Anim na araw kong nilikha ang langit, ang lupa, ang mga dagat at ang lahat ng nasa mga ito. Ngunit namahinga ako sa ikapitong araw. Kaya't ito'y aking pinagpala at inilaan para sa akin.
12 "Igalang mo ang iyong ama at ina. Sa gayo'y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
13 "Huwag kang papatay.
14 "Huwag kang mangangalunya.
15 "Huwag kang magnanakaw.
16 "Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa iyong kapwa.
17 "Huwag mong pagnanasaang maangkin ang sambahayan ng iyong kapwa: ang kanyang asawa, mga alilang lalaki o babae, mga baka, asno o ang anumang pag-aari niya."
Ang Sampung Utos
(Exodo 20:1-17)
20:1 At sinalita ng Dios ang lahat ng salitang ito, na sinasabi,
20:2 Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin.
20:3 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.
20:4 Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
20:5 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;
20:6 At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.
20:7 Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan.
20:8 Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin.
20:9 Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain.
20:10 Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong tagaibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang daan:
20:11 Sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal.
20:12 Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
20:13 Huwag kang papatay.
20:14 Huwag kang mangangalunya.
20:15 Huwag kang magnanakaw.
20:16 Huwag kang magbibintang sa iyong kapuwa.
20:17 Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapuwa, huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapuwa, ni ang kaniyang aliping lalake o babae, ni ang kaniyang baka, ni ang kaniyang asno, ni anomang bagay ng iyong kapuwa.
Ang Utos mula 1 hanggang ika 4 ay tumutukoy sa pagmamahal natin sa Diyos higit sa lahat, habang ang ika 5 hanggang ika 10 ay ang pagmamahal natin sa ating kapwa higit sa ating sarili. Sa ating pagbabalik tanaw sa mga kautusan, ilan sa mga ito ang nagagawa naten araw araw at ilan sa mga ito hindi natin nagagawa araw araw.
Maaaring may makapag sabi sa atin na nagagawa niya ang lahat ng ito maliban sa isa. Tunog ayos na dahil mas marami naman pala sa mga utos na ito ang kanyang nagagawa, gayun paman sinasabi sa
James 2:10 na..
“ For whoever keeps the whole law but fails in one point has become accountable for all of it.”
Sa makatuwid ay ganun parin pala iyon, sablay parin. Ang paglabag natin sa Kautusan ng Diyos ay napaka seryosong bagay na mayroong tiyak na kaparusahan dahilan narin sa ang unang 4 na utos ay direktahang pagpapakita ng ungodliness violation habang ang ika 5 hanggang 110 sampu ay ang unrighteousness violation over our neighbor.
Romans 1:18 “For the wrath of God is revealed from heaven against all ungodliness and unrighteousness of men, who by their unrighteousness suppress the truth.
Conclusion sa ikalawang aspeto:
GALIT NA GALIT ANG DIYOS SA ATIN!. Sumablay na nga tayo sa pagiging “likha” niya, ngayon naman ay sablay na naman tayo bilang taga sunod ng kanyang mga Batas o Kautusan. Wala na naman tayong mga kwenta at nararapat lamang na tayo ay maparusahan lahat. Wala na naman tayong kakayahan iligtas ang sarili natin.
To be continued…
Hindi ko ito isinulat upang mawalan ka ng pag-asa sa kaligtasan, subalit tama ka, sinulat ko ito upang kamuhian mo ang iyong sarili, tanggapin mo na wala kang kayang gawin para sa sarili mo, wala kang solusyon para sa kaligtasan mo, kahit mayaman matalino o ikaw pa ang pinaka mabait sa mata ng marami, wala ka nang halaga kung tutuusin sa mata ng Diyos, subalit ganun parin ang kanyang pagmamahal sa atin, at dahil sa pagmamahal na iyan ay namatay si mismo ang Diyos para sa atin.
Oo, alam mo na ito noon, maraming beses mo na ito dinasal tuwing alas 3 ng hapon, o kaya naman naipangaral sa iyo ng iyong pastor na siyang nagpa patak ng luha mo. Pero aminin mo man sa hindi, ang mga luhang pumatak na iyon ay dahil sa sentimyento mo lang sa pagpapakahirap ng Diyos sa Krus para sa iyo at hindi luha ng pagka suklam mo sa iyong sarili, hindi iyon luha ng pagpapasalamat dahil nauunawaan mo ang tunay na ibig sabihin ng pagtubos ng Diyos sa ating lahat .
WARNING: Celso Jacinto Biboso made this note and was not rated by users as credible.