God Feeding the Multitudes (5000 men)
Matthew 14:13 to 21
Lesson: We can only witness God’s glory and experience His Grace, If we just put our life in His hand.
Ang unang bahagi ng Chapter 14 ay naglalaman ng kamatayan ni John the Baptist sa paraan ng pagpugot ng ulo. Sa Matthew 14:12 nakasaad na ipinag-bigay alam ng mga disipolo kay Hesus ang pangyayaring ito. Bagamat siya ay Diyos, bilang 100 percent na tao, tiyak na nakaramdam din ng pagka lungkot ang Panginoong Hesus kaya siya ay nagpasya na magpunta sa isang lugar na malayo sa mga tao sa pamamagitan sakay ng bangka.
Matthew 14:13
When Jesus heard of it, he departed thence by ship into a desert place apart: and when the people had heard thereof, they followed him on foot out of the cities.
Sa panahong ito ay kumalat na ang pagtuturo ni Hesus tungkol sa kaharian ng Diyos, at dahilan narin kay John the Baptist na siyang kinikilalang propeta nung panahong iyon ay nakilala ng marami si Hesus kaya katulad ng isang sikat na artista sa panahon ngayon, nagkaroon si Hesus ng maraming taga subaybay na kung nasaan siya ay naroon din sila.
Bagamat hindi naman klaro na nabanggit sa text ang dahilan ng kanyang paglisan, hindi din binanggit na siya ay nagdesisyon magpunta sa isang desolated na lugar para magturo o magpagaling. Mas malaki ang posibilidad na siya ay mananalangin dahil makikita sa Bibliya na ugali ng Panginoong Hesus na lumayo at mag-isang manalangin kapag mayroong mga di magandang pangyayari.
Matthew 14:14
"And Jesus went forth, and saw a great multitude, and was moved with compassion toward them, and he healed sick."
Sa kabila ng balita tungkol sa pagkamatay ni John the Baptist kung saan maaaring matindi ang kalungkutan na nadarama ng Panginoong Hesus sa mga oras na iyon ay hindi ito naging dahilan upang hindi niya harapin ang mga tao na sumunod sa kanya at doon nga siya nagpagaling.
Isang napaka laking pagkakaiba sa marami sa ating mga lingkod ng Diyos sa panahon ngayon na minsan ay nakakalimot na ang pangangalaga sa ating mga pinagpapastoran ay hindi dapat seasonal, and sabi ng Bibliya sa 2 Timothy 4:2 ”preach the word; be ready in season and out of season;rerove rebuke, and exhort with complete patience and teaching.
Minsan pa nga ay naaapektuhan ang ating gawain sa paglilingkod dahilan sa mga kasalukuyang nangyayari sa ating mga personal na buhay. Nawawala ang focus, dedication, at “compassion” o matinding pagkahabag at minsan ay ginagampanan nalang naten ang paglilingkod sa kapwa ng wala namang “laman”/susbtance.
Ikumpara mo din sa ugali ng isang hindi mananamapalataya o ordinaryong mananampalataya na napaka “conditional” din by nature. Napaka layo sa ugali ng Panginoong Hesus.
Ito ang isang characteristic ng Panginoon na marapat lamang na ating pagsumikapan taglayin dahil ang mga taong ating pinangangalagaan ay mga tupa ng Panginoon. John 21:15 “ When they had finished breakfast, Jesus said to Simon Peter, do you love me more than these? He said to him, Yes, Lord; you know that I love you, He said to him, “Feed my Lambs”.
Kung ikaw at ako ay tunay na nagmamahal at kumikilala sa Panginoon, mayroong instruction ang Panginoon sa atin at iyon ay ang pakainin at paglingkuran natin ang kanyang mga tupa. Ito ay tumutukoy sa dalawang uri ng pagpapakain, pagpapakin ng Spiritual na katuruan at pagpapakain din ng totoong pagkaing pang-pisikal.
Matthew 14:15
"Now when it was evening, the disciples came to him and said, “This is a desolate place, and the day is now over; send the crowds away to go into the villages and buy food for themselves."
Napansin ng mga disipolo na gabi na at alam nilang marami na sa mga taong naroroon ang tiyak na gutom na kaya iminungkahi nila kay Hesus na pauwiin na ang mga ito at hayaan na silang bumili o maghanap ng kanilang sariling makakain.
Maganda na naging concern ang mga disipolo sa physical na condition ng mga tao, pero tulad ng marami sa atin, magagaling tayo mag identify ng pangangailangan ng iba, pagkukulang ng iba, at pagkakamali ng iba, subalit bibihira sa atin ang nakahandang mag provide para matugunan ang mga ito.
Magaling tayo mag offer ng panalangin o moral support sa ating mga kaibigan, kapamilya, o sa mga myembro ng Simbahan subalit hindi naten magawa tugunan sa abot ng ating makakaya ang specific nilang pangangailangan. Maaaring ang iba sa atin ay iniisip na baka kasi umabuso o baka kasi hindi naman totoo ang kanilang mga idinudulog kaya bahala na ang Diyos sa kanila.
Nakakalimot tayo na bilang isang lingkod o taga sunod ng Diyos ay tayo ginawa niyang daluyan ng pagpapala upang pagpalain ang iba. Kaya madami ang napapalayo ng husto sa Panginoon ay dahil kung sino pa ang hindi mananampalataya at lingkod ng Diyos ay sila pa itong mas bukas ang palad tumulong, mga tulong na minsan ay nanggaling pa sa hindi maganda.
Binigyan din tayo ng Panginoon ng karunungan o kakayahan (wisdom and ability) na maaari natin gamitin sa pakikipag-usap sa mga tao upang magawa natin ng naaayon an gating pagtulong. Dapat ay mas higit na matalino ka bilang mananampalataya kaysa sa mga hindi.
Matthew 10:16 “Behold, I am sending you out as sheep in the midst of wolves, so be wise as serpents and humble as doves.”
Marami pa nga sa atin ang minsan ay iniisip na sobra na ngang ialay naten ang ating buhay sa paglilingkod, pati ba naman personal na possessions ko ay ibabahagi ko pa?. Hindi ito ang uri ng paglilingkod na hinihingi ng Panginoon sa atin. Huwag tayo makalimot na tayo ay matagal ng patay at kung tutuusin ay wala na ring mga pag-asa maligtas subalit binili niya tayo ng kanyang banal na dugo, anong dahilan natin upang ipagdamot ang temporal na mga bagay na meron tayo ngayon kapalit ng panghabambuhay ng kaligtasan na ibinigay Niya sa atin?.
Alalahanin natin na wala na tayong pag-aari sa bagong buhay na ating tinatamasa ngayon. Philippians 3:7 “But whatever gain I had, I counted as loss for the sake of Christ.” Ang pananagutan natin sa ating kapwa ay hindi limitado sa Spiritual subalit hindi din naman maaari na puro lang physical, emotional, social, at pang-kaisipan ang tulong ang ating dapat ibigay sa iba.
Matthew 14:16-20
16 But Jesus said, “They need not to go away; you give them something to eat.”
17 They said to him, “we have only five loaved here and two fish.”
18 And he said, “Bring them here to me.”
19 Then he ordered the crowds to sit down on the grass, and taking the five loaves and the two fish, he looked up to heaven and said a blessing. Then he broke the loaves and gave them to the disciples, and the disciples gave them to the crowd.
20 And they all ate and were satisfied. And they took up twelve basket full of the broken pieces left over.
Hindi pinahintulot ng Panginoon ang suhestyon ng apostle tungkol sa pagpapa-uwi sa mga tao na naroon. Bagkos inutusan niya na pakainin ang mga ito. Sa pangyayari na ito ay dapat natin makita na ganyan ang pag-ibig ng Panginoon sa mga taong tapat na sumunod sa kanya, sa mga taong desperado na sa buhay at taning sa kanya na lamang nakakapit, hindi ka lamang niya bibigyan ng kapayapaang pang-spiritual, siya rin ay magbibigay-tugon sa pangangailangan nating pang-pisikal.
Kahit kailann ay hindi siya magkukulang lalo pa sa mga tao, tayo na siyang pinaka mataas at mahalaga sa lahat ng kanyang mga nilikha. Matthew 6:26 Look at the birds of the air: they neither sow nor reap nor gather into barns, and yet your Father feeds them. Are you not of more value than they?
Matapos ang pagpapagaling ni Hesus sa mga may sakit nung oras na iyon, isang Himala pala ay siyang mangyayari na magpapakita sa mga disipilo ng kanyang matinding kapangyarihan. Ipinakita ng disipolo ang 5 tinapay at dalawang isda sa harap ng Panginoon, at ng dumampi ito sa kamay ng Panginoon ito ay dumami at nagawa nitong pakainin ang mahigit 5,000 tao na naroon.
Tiyak na natuwa ang mga tao na nakatanggap ng pagkain noong mga oras na iyon subalit tiyak rin na mas higit ang kaligayahan ng mga disipolo na silang naka saksi ng himala mula sa Panginoon. Mas higit ang kanilang kaligayahan habang nagpapa-kain kaysa sa mga tumatanggap.
Kahit sinong matalinong accountant of financial analyst ay hindi magagawang ipaliwanag kung paanong nangyari na mapakain ang ganung ka daming tao mula sa 5 tinapay at dalawang isda at may natira pang 12 basket na puno ng laman.
Sadyang naka mamangha ang pangyayaring ito subalit huwag natin palampasin na maunawaan kung ano ba talaga ang nangyari at ano ang maaaring ibig sabihin at ipakita ng Panginoon sa atin mula sa pangyayaring ito.
Sadyang imposible ang magpakain ng ganun karami, subalit walang imposible sa Diyos. Dapat natin maunawaan ang himala sa pag dami ng pagkain ay hindi mangyayari kung hindi dumampi sa kamay ni Hesus ang 5 tinapay at 2 isda.
5 tinapay at 2 isda lamang ang nasa kamay ng kanyang disipolo nung mga oras na iyon, hindi nanghingi o naghanap ng iba pa si Hesus. Ang kanyang pinarami ay kung ano ang nasa kamay ng disipilo. Kapatid, hindi naghahanap ng iba pang bagay ang Diyos sa buhay mo. Hindi niya tinitingnan kung ano ang mga bagay na wala ka, ng kakayanan na hindi mo taglay, ng pang unawa na napakataas, at kayamanan na sobra sobra.
Sigurado akong wala kang 5 tinapay at 2 isda sa kamay mo sa oras na ito, subalit ano ang meron ka na maaari mong ilagay sa Kamay ng Diyos upang dumami, lumago, at maging kapaki pakinabang?...walang iba kundi ang buhay mo. Hanggat hindi mo ilagay ang buhay mo sa kamay Niya huwag mong asahan na iyan ay magiging makabuluhan.
Maaari mong sabihin ngayon na marami nga ang mga masasamang tao at walang Diyos na nagtatagumpay sa buhay, ang tagumpay na tinutukoy mo ay pang sanlibutan lamang, tagumpay na tila latang walang laman sa harap at mata ng Panginoon. Hindi iyan totoong tagumpay.
Katulad ng 5 tinapay at 2 isda na maaari ka lamang itawid sa gutom para sa isang kainan o isang araw subalit paano na ang bukas? Paano ka makapag bibigay sa mga mahal mo at sa ibang tao kung ang hawak mo ngayon ay sapat lamang para sa sarili mo, para sa isang araw? At kung minsan ay kahit sa pang sarili mo na lamang ay kulang pa nga.
Hindi isinaad sa kasulatan na nagtanong si Hesus kung anong pagkain ang natatago ng disipolo na maaari niyang paramihin upang ipakain sa mga taong naroon bagkos kusang itong sinabi ng disipolo dahilan na rin siguro sa pagka taranta at pagka bagabag kung paano nila mapapakain ang ganun karami.
Tulad ng disipolo, kusa mong iharap sa Diyos ang buhay mo, aminin mo ang iyong mga kahinaan at pagkakamali, sabihin mo sa kanya na “Panginoon imposibleng maabot ko ang mga nais ko sa aking buhay sa pamamagitan lamang ng mga bagay na meron ako ngayon, sa pamamagitan ng limitado kong kaalaman, sa pamamagitan ng mahina kong pangangatawan, subalit alam kong sayo nagmula ang lahat ng bagay at lahat ng bagay ay maaari mong magawa dahil ikaw ang Makapangyarihang Diyos”.
Huwag mong tingnan ang malalaki at mga popular na mga taong nagsasabi na lingkod ng Diyos, huwag mong sabihin na “eh kaya naman sila ganyan…ay dahil sa……”. Nakatitiyak akong bukod sa mga pangarap naten pansarili ay nangangarap din tayo ng malaki para sa ating pamilya, nakalulungkot lamang dahil karamihan sa mga pangarap na ito ay puro patungkol sa material.
Huwag natin kaligtaan na ang Diyos ay hindi madamot, sinabi niyang aanihin mo ang anumang iyong itinanim. Itanim mo ang buong buhay mo sa kamay ng Panginoon. Lumakad sa katuwiran niya ng may buong pananampalataya na ikaw ay hindi Niya iiwan kailanman lalo na sa mga oras na napakalakas ng pagkilos ng Demonyo. At sa bawat pagbagsak mo ay hindi ka mag-iisang tatayo at magpapatuloy sa paglakad.
Matthew 14:21
And those who are were about five thousand men, besides women and children
At sa pagpapatuloy mo sa direksyon ng Panginoon, sa direksyon na iginuhit ng Diyos bago ka pa ipinanganak makikita mo kung gaano kalaki ang halaga mo sa mundong ito. Magkakaroon ka ng significance na maaaring ni minsan ay hindi mo inakalang magagawa mo katulad na lamang ng pagpapakin sa mahigit sa 5,000 tupa ng Panginoon.
IN CHRIST, YOU ARE BIGGER THAN WHO YOU THINK YOU ARE
God Bless, All for the Glory of Christ Jesus
WARNING: Celso Jacinto Biboso made this note and was not rated by users as credible.