WARNING: Celso Jacinto Biboso made this note and was not rated by users as credible.

Doctrine of Salvation Part 2 (Understanding the deeper and main essence of Salvation)

 
Related

Soldier of God for His Elects

Celso Jacinto Biboso
548 points

Doctrine of Salvation Part 1 (Understanding the deeper and true meaning of Salvation)

Celso Jacinto Biboso
546 points



Most recent

Las fake news son sólo la punta del iceberg de las tácticas de desinformación a nivel global

Ciberseguridad
16 points

César López, CEO del Grupo Covisian nombrado miembro de Asociación CEX

Tecnologia
14 points

Álvaro José zedán López: Una Leyenda de la Administración Pública en San Juan del César, La Guajira

Luis Horgelys Brito Ariza
64 points

San Juan del César y las fotomultas: ¿Solución o problema para el pueblo ?

Luis Horgelys Brito Ariza
206 points

¿Es Cyber Monday buen momento para comprar tecnología?

Prensa
6 points

Rusia Today llega a México

ANONIMO
38 points

Tips para crear una habitación de invitados y despacho a la vez

MaríaGeek
8 points

Pure Storage reinventa File Services

Patricia Amaya Comunicaciones
22 points

Informe Sophos 'Pacific Rim': ciberataques masivos desde China ponen en jaque la seguridad global

Prensa
12 points

Magola López: Una Mujer Admirable

Carlos Eduardo Lagos Campos
100 points
SHARE
TWEET
Doctrine of Salvation (Part 2)

Doctrine of Salvation Part 2 (Understanding the deeper and main essence of Salvation)

“Doktrina ng Kaligtasan “


Review:
Sa Part 1 ng article na ito “Doctrine of Salvation” nadaanan natin ang unang dalawang aspeto na dapat nating higit na maunawaan bago tayo diretsong magtungo sa totoong aral ng Kaligtasan. Nawa nauwaan natin sa naunang article na bagsak/sablay na kaagad tayo kung babasehan ang ating RELASYON bilang LIKHA ng ating TAGAPAG-LIKHA. Sa Kanyang Sovereignty bilang Diyos ng lahat ay nasa kanya na ang lahat ng karapatan upang tayo ay hatulan agad sa ating kasalukuyang kinatatayuan.

Sa ikalawa naman, natanggap na nawa natin na tayo ay lapastangang sumuway at patuloy na sumusuway sa kanyang iniwang kautusan. Maging sa aspetong ito tayo ay condemnado (condemned) na naman.

Kung titingnan ang dalawang aspeto lamang ay kasuklam suklam na sa Diyos ang ating pagkatao. Sapat nang batayan ang dalawang iyon na tayo ay direkta nang mapunta sa impyerno. Nakakalungkot man, subalit hindi pa dito nagtatapos ang mga aspeto/batayan kung saan maaari natin tingnan ang ating kasalukuyang kalagayan bilang isang tao na lugmok sa pagkakasala at pagkakamali. Ipagpatuloy natin ang ikatlong aspeto.

3. Attributes of God (Mga Katangian ng Diyos) INCOMMUNICABLE

Ang INCOMMUNICABLE na Katangian ay tumutukoy sa mga katangian ng Diyos na hindi natin maaaring tapatan, hindi niya maaaring maibahagi, hindi natin maaaring taglayin, at hindi natin maaaring sukatin at ipaliwanag. Wala tayong maaaring maging koneksyon sa Diyos kung babasehan ang mga katangiang ito.

Makaririnig ka ng maraming mangangaral na walang takot makipag debate kung sino ang Diyos, at paaano mo makikilala ang totoong Diyos. Walang kamalay malay ang mga taong ito sa PANGANIB na kanilang ginagawa. Panganib na maaaring maihatid nito sa mga nakikinig at maging sa kanilang mga sarili dahil tuluyan na silang mananatiling bulag sa sarili nilang kamang-mangan.

Gaano man tayo kagaling magsalita, gaano man kataas ating pinag-aralan, gaano man tayo nirerespeto ng marami dahil sa mga narating at napatunayan natin sa buhay, mananatili tayong “pointless” o pinaka mang mang sa tuwing ipangangalandakan natin ang kaalaman mo sa kung sino ang Diyos. Sa ganito natin makikita kung gaano tayong mga Kristyano nababaon sa kamang-mangan.

Bagama’t ipinakilala ng Bibliya ang Diyos ay maaari lamang tayong magsalita ng kaunti tungkol sa kung sino talaga siya. Ito ay dahil walang tumpak na salita ang pwede natin gamitin upang maipakilala ang tunay na Diyos.

Ang ilan sa mga INCOMMUNICABLE na katangian ng Diyos ay ang mga sumusunod:

a. Omnipotent : Kaya Niyang gawin ang lahat at hindi natin masusukat ang kanyang kakayahan dahil mayroon siyang walang-hanggang kapangyarihan.

b. Omnicient: Siya ay mayroong walang hanggang kaalaman, walang hanggang pagkaunawa, at hindi masusukat na kamalayan sa lahat ng pinagmulan ng bagay at mga pangyayari (naganap, nagaganap, at magaganap). Ito ay napaka layo sa kakayahan ng tao na umaasa lamang sa lmitadong pag-aaral, teknolohiya, at haka haka.

c. Omnipresent: Siya ay naroon sa lahat ng dako ng mundo. Nakikita niya ang lahat ng malinaw sa iisang pagkakataon. Hindi kwestyon ang oras at anumang balakid upang pumaroon siya sa nais niyang kalagyan at siya ay mananatili dun hanggang sa katapusan ng lahat.

d. Sovereignty: Siya ang may mandato sa lahat. Siya lamang ang maaaring masunod sa lahat ng bagay dahil siya ang pinakamataas sa lahat bilang isang Diyos na Soberano. Walang sino man ang pwedeng pumantay ni sumunod sa kanyang position.

Ang lahat ng mga katangiang ito ay tanging Diyos lamang ang nagtataglay. Siya ay kamangha-manghang Diyos subalit higit na nakakatakot din na Diyos.

Conclusion sa Ikatlong Aspeto:

Ang tao ay lapastangan sa kababawan ng pagkilala sa Katangian ng Diyos. Ang ilang pa nga ay tinatrato pa siyang normal na “kaibigan” ang ilang naman ay kinakausap siya na parang nakikipag usap lamang sa hindi nila tunay na nirerespetong “ama”. Ang ilan ay nagagawa pang mag-utos sa Diyos na lumalabas na mas may mandato sila sa Diyos at ang Diyos ay maaaring sumunod sa atin (halimbawa: sa pagpapagaling ng may sakit, sa pag-imbita ng yaman, sa pagdidikta ng kalikasan at kalamidad, at maging sa katuparan ng mga personal nating mga plano sa buhay). Madalas pa nga ay may mga maririnig tayo na tahasang inilalagay ang kanilang sarili sa kanang kamay ng Diyos. Minsan naman ay umaasta bilang sunod sa hanay ng Otoridad/Authority ng Diyos.

Tayo ay pumalpak na naman.

Ang mga katangiang ito ay nagpapakita lamang na ang Diyos ay dapat din natin katakutan dahil hindi siya isang nilalang na basta basta mo lamang pakikitunguhan sa paraan na naiisip mo, mga pamamaraan na madali at konbinyente/convenient sa iyo. Kung tutuusin ay walang pagpapakumbaba ang sasapat upang tawagin ang kanyang atensyon at kwestyunin ang kanyang position. Subalit wala nang takot ang mga tao sa Diyos ngayon. Ito ay isang masakit at nakakatakot na katotohanan.

Malinaw muli na sa aspetong ito, tayo ay maaari na muling sunugin sa impyerno ng habambuhay. Masakit subalit ito ang totoo dahil tayo ay mga tunay na lapastangan.

4. Katangian ng Diyos (Attributes of God) COMMUNICABLE

Kung mayroong katangian ang Diyos na hindi natin maaaring taglayin, hindi maaaring maipaliwanag, at hindi maaaring gayahin, mayroon din naman siyang mga katangian na hindi lamang “maaari” subalit “nararapat” nating pagsumikapan na taglayin at ipamuhay.
Ito ang mga katangian na COMMUNICABLE. Maaari natin itong maunawaan at magawa sa araw araw na buhay. At bilang isang likha niya na sinabi pa niyang ginawa niya sa “on His own Image” , ang mga katangiang ito ay nararapat lamang na maging batayan ng ating pamumuhay at pagkatao.

Ang sumusunod ay ilan sa mga COMMUNICABLE Attributes ng Diyos:

a. Love (Pagmamahal/mapagmahal
b. Justice (Katarungan/pagiging makatarungan)
c. Mercy (awa/ pagiging mahabagin) ito rin ay nangangahulugan ng ” pagiging mapag-patawad)
d. Compassion (pagmamahal/awa/ sa kalagayan ng nangangailangan at mga nagdadalamhati)
Ilan lamang ang mga ito sa mga Katangian ng Diyos na dapat nating ipinamumuhay dahil maaari itong taglayin ng tao na siyang nilikha ng Diyos.

Ipinakita ng Diyos kay Moses at sa kanyang mga sinugo hindi ang kanyang presensya bagkos ang Kanyang mga katangian. Ang walang hanggang pagmamahal, ang pagigi niyang makatarungan sa tuwing sila (Hudyo/Israel)ay lalabag at tatalikod sa Diyos, pagpapatawad sa paulit ulit nilang pagkakamali, at ang pagtugon sa mga pangangailangan nila sa tuwing sila ay hirap na hirap na.

Ang lahat ng ito ay nagpapakita ng di masukat na katuwiran/ Righteousness ng Diyos subalit ang pagkakamali ng Israel ay ang maling pagsusumikap nila upang matapatan o malampasan ang katuwiran ng Diyos na siyang nagdala sa kanila sa madaming pagkakamali. Ganito din ang marami sa atin ngayon. Gumagawa tayo ng sarili nating batayan ng pagiging matuwid. Iniisip natin na sapat na ang kabutihan kaya tayo ay bumabagsak ng paulit-ulit na umaabot sa puntong nahihirapan na tayo maka-bangon.

Ang tanging hiling sa kanila (Israel) ng Diyos ay mag-manikluhod sa kanyang awa at kapatawaran. Lahat tayo ay bigo sa pagpapakita ng katanggap-tanggap na pagmamahal natin sa kanya at sa hindi natin nakikitang pagkakataon, tayo ay mga walang utang na loob sa kabila ng kanyang kabutihan.

Conclusion para sa ika-apat na aspeto:

Hindi natin nagawang taglayin ang mga Katangian ng Diyos. Hindi natin ito naipapamuhay ng perpekto araw araw. Hindi tayo nagpapakumbaba sa Diyos at hindi natin pinagpapasalamat ang walang hanggang awa niya sa atin mula pa noon hanggang ngayon. Bigo na naman tayo at dahil dito tayo ay patay na naman sa paningin ng Diyos. Wala na naman tayong magagawa kundi hintayin ang kanyang matinding kaparusahan.

Matapos ang apat na aspeto ang malaking tanong ngayon ngayon ay:

1. SAAN TAYO NILIGTAS NG PANGINOON?
2. PAANO TAYO NILIGTAS NG PANGINOON?

Ito ang napakahahalagang tanong na hindi natin maaaring maunawaan bago tayo tumungo agad agad sa PAGPAPAKILALA NG KALIGTASAN at sa iba naman ay BASTA BASTA NA LAMANG TANGGAPIN ANG KALIGTASAN. Napaka halaga na maipakilala natin ng tama ang Diyos sa pamamagitan ng pagtingin sa APAT NA ASPETO na ating tinalakay.

Mahalaga na makilala ng isang hindi mananamapalataya maging ng maling mananampalataya ang Diyos. Dahil ang pagkakamali sa pagkilala sa nag-iisang Diyos ay nangangahulugan din ng maling kaligtasan, at ang maling kaligtasan ay walang ibang patutunguhan maliban sa impyerno. Ang taong hindi magagawang kumilala sa Diyos ay hindi kailanman dadapa at magpapakumbaba sa harap ng Diyos at habambuhay na aaminin na siya ay walang halaga, makasalanan, at walang kakayahan na iligtas ang kanyang sarili. Hindi kalianman magbubunga ng totoong pananampalataya ang gagawin niyang pagtanggap at paulit-ulit lamang siyang lalangoy sa kasalanan nang walang tunay na pagkatakot sa Kapangyarihan ng Diyos. Walang tunay na pagkaunawa sa kaligtasan na kanilang niyayakap.

Balikan natin ang tanong na SAAN TAYO NILIGTAS NG PANGINOON?. Ang sagot dito ay walang iba kundi sa KASALANAN. Sa kasalanan na siyang tiyak na magdadala sa atin sa impyerno. Kasalanan na siyang pumatay sa atin sa Paningin ng Diyos.

Subalit sa anong kasalanan? Ito ba ay tumutukoy lamang sa na nagawa at nagagawa natin?
Basahin natin ang talata sa Bibliya na nagpapaliwanag tungkol sa kasalanan na dapat natin maunawaan. Maaari mo din tingnan ang Tagalong mong Bibliya ngayon kung mayroon ka.

Romans 5:12-18

Death Through Adam, Life Through Christ

12 Therefore, just as sin entered the world through one man, and death through sin, and in this way death came to all people, because all sinned— (Adam and Eve and tinutukoy dito)

13 To be sure, sin was in the world before the law was given, but sin is not charged against anyone’s account where there is no law.

14 Nevertheless, death reigned from the time of Adam to the time of Moses, even over those who did not sin by breaking a command, as did Adam, who is a pattern of the one to come.

15 But the gift is not like the trespass. For if the many died by the trespass of the one man, how much more did God’s grace and the gift that came by the grace of the one man, Jesus Christ, overflow to the many!

16 Nor can the gift of God be compared with the result of one man’s sin: The judgment followed one sin and brought condemnation, but the gift followed many trespasses and brought justification.

17 For if, by the trespass of the one man, death reigned through that one man, how much more will those who receive God’s abundant provision of grace and of the gift of righteousness reign in life through the one man, Jesus Christ!

18 Consequently, just as one trespass resulted in condemnation for all people, so also one righteous act resulted in justification and life for all people.

Ang kasalanan ay “imputed” o “ibinilang”, hindi ito minana kundi ibinilang sa ating ating lahat. Kaya tayo nagkakasala kahit ayaw natin dahil ito ay nasa loob nating lahat at kahit ilang beses tayo humingi ng tawad ay hindi ito magiging sapat para sa ating kaligtasan dahil tayo ay patuloy na magkakasala. Ito ang ipinapaliwanag ng DOCTRINE OF DEPRAVITY (tatalakayin natin sa ibang artikulo). Sa mga talatang Romans 1 and 2, Ephesians 2, ay makikita na ang kaligtasan ay mula sa kasalanan. At mula sa kawalan ng kakayanan ng isang taong patay sa kasalanan ay iniligtas tayo ng Diyos.

Kung uunawain natin ito ng mabuti, madali nating matatanggap na walang gawa (human effort) mula sa ating sarili ang makapag liligtas sa atin. Sa Romans 4 sinasabi na “pananampalataya lamang kay Kristo na wala nang iba pang dagdag na gawa mula sa atin”.

Ipinaalala din ni Apostle Paul sa mga taga Corinto na ang kanilang mga tinitingalang pinagmulan na sina Adam na lumabag sa utos, Abraham na nagsinungaling, at David ay nakagawa nang matitinding kasalanan sa harap ng Diyos kaya walang sino man ang dapat magmalaki sa kanyang kakayanan. Kahit ikaw pa ay lingkod ng Diyos nagsasabing tunay na mananampalataya.

Bagamat ang kaligtasan ay ipinangako lamang para sa mga totoong NANINIWALA at NANAMPALATAYA. Malinaw na ngayon na ang kaligtasang tinutukoy dito ay patungkol o may kinalaman sa Original Sin.

Note: 2 Kinds of Sin

1. Original Sin (mga kasalanan na ibinilang sa sangkatauhan, hindi tayo ang mismong gumawa)
2. Actual Sin (mga kasalanan na oras oras nating ginagawa)

Papaano naman tayo maliligtas kung hindi tayo nakapasa sa APAT NA BATAYAN/ASPETO?. Dito palang ay makikita na natin na wala na talaga tayong pag-asa. Wala na tayo ligtas sa impyerno. Gayunpaman sinabi ng Bibliya kung papaano tayo maliligtas.

Romans 3:21- 24

Righteousness Through Faith

21 But now apart from the law the righteousness of God has been made known, to which the Law and the Prophets testify.

22 This righteousness is given through faith in[a] Jesus Christ to all who believe. There is no difference between Jew and Gentile,

23 for all have sinned and fall short of the glory of God,

24 and all are justified freely by his grace through the redemption that came by Christ Jesus.

TANDAAN!

HINDI TAYO MALILIGTAS DAHIL TAYO AY PINATAWAD NG DIYOS, HINDI DIN DAHIL TAYO AY BASTA LANG NAGBAGONG BUHAY AT GUMAWA NG MABUTI, AT MAS LALONG HINDI DAHIL TAYO AY MATUWID!.

Balangkasin at tandaan natin ang tatlong mahahalagang punto sa ating binasang teksto.

1. Katuwiran ng Diyos na “lingid” o “labas” o “ walang kinalaman” sa Batas/ Utos ng Diyos
2. Sinabi o ipinahayag na ng mga Propeta ang pagdating ng tagapag-ligtas
3. Na siyang pinatunayan ng pagdating ni Jesus, na siyang naging tao. Sinunod niya ng buo ang lahat ng mga bagay na hindi natin nagawang sundin at kahit kailan ay hindi magagawang masunod ng buo. At binayaran Niya ang lahat ng hindi natin magagawang bayaran sa pamamagitan ng PERPEKTONG PAGSUNOD “Perfect Obedience.
4. DAPAT SIYANG MAMATAY BILANG SAGOT SA KASALANAN. Kaya siya tinawag na “The Only Redeemer” at “Sacrificial Lamb”.

Maaari ka munang huminto dito kapatid, tanungin mo ang sarili mo kung nauunawaan mo nab a kung bakit namatay si Hesus?. Nakikita mo na ba ang ginawa Niya na walang sino man ang makagagawa?. Huwag mong tingnan yung hirap na dinanas niya sa kalbaryo. Huwag mong hayaang EMOSYON at SENTIMYENTO ang maging pundasyon ng iyong pananampalataya sa kaligtasan. Yakapin mo ang mismong pagtubos sa atin mula sa kasalanan at tiyak na hatol ng Diyos sa impyerno.

Ikumpara sa atin na mula sa pagiging makasalanan, kahit wala pa tayong nagagawang kasalanan, hanggang sa pagsusumikap natin makasunod, si Hesus ay nagmula nang walang bahid ng kasalanan dahil anak siya ng Diyos na ipinanganak ng isang birhen, siya ay Diyos na nagkatawang tao. Siya ay walang nilabag at nagsimulang matapat na tagasunod sa Diyos hanggang sa maging perpektong tagasunod. Wala siyang naging kasalanan at nanatiling perpekto. Kahit siya ay nakaranas ng pang tutukso ng Diablo ay nilampasan niya ang lahat ng ito. Para saan? Para lamang mamatay bilang alay…PARA SA ATIN.
To be continued…

WARNING: Celso Jacinto Biboso made this note and was not rated by users as credible.
SHARE
TWEET
To comment you must log in with your account or sign up!
Featured content