Soldier of God for His Elects
(Courage Behind our Service)
Inspired by: The Doctrine of Election
Matthew 24:24
Jesus said, “ For false christs and false prophets will arise and perform great signs and wonders, so as to lead astray, if possible, even the elect.”
Madalas akong natatanong ng marami kung bakit ko ginagawa ang lahat ng pagsusulat na ito. Bakit tila masyado akong matapang at sa maraming pagkakataon ay tila hindi daw maganda ang pamamaraan ko sa pagsasalita o sa pang-uusig ng aking kapwa.
Una sa lahat, sigurado ako sa aking sarili na hindi ako gumagamit ng masasama o bastos na mga salita (profane words) sa aking panganagaral o pagtuturo. Itinutugma ko ang mga salitang aking ginagamit sa laman o mensahe ng mga sinasabi ko. Kagaya nalang kapag ang paksa na nilalaman ng aking ginagawa ay may kinalaman sa PAGPAPA-ALALA ay sinisigurado ko na talagang masabi ko ang lahat ng aking gustng ipaalala sa paraan na tumapak at diretso.
Kung ito naman ay may kinalaman sa pagiging Diyos ni Hesus ay sisiguraduhin kong maramdaman ng tao ang kawalan niya ng sapat na DAHILAN para kalabanin niya ang pagiging Diyos ni Hesus sa kabila ng mga ginawa ng Panginoon sa atin. Kung ang usapin naman ay mga paksa lamang na walang kinalaman sa kaligtasan ay hindi ko ito masyado tinututukan at madalas ay nagiging logical nalang ako kung ayaw tanggapin ng kausap ko ang mga talata sa Bibliya na aking ginagamit.
Gayunpaman, kapag ang usapin ay patungkol sa KALIGTASAN, asahan mong hindi ako magiging malambot sa aking pananalita. Una sa lahat ay gagamitin ko ang lahat ng talata na tunay na magpapaliwanag ng Kaligtasan. Sa paksa ng Kaligtasan, binibigyan ko ng matinding DIIN ang katotohanan na tayong lahat ay mga walang kwentang nilalang, tayo ay nakakadiri at tayong lahat ay nararapat lamang mapunta sa Impyerno. Kapag ang kausap ko ay nagmatigas pa at ipinaglaban ang kanyang Doktrinang mali, hindi ako tumitigil na siya ay usigin at hikayatin. Bakit? Dahil sinabi mismo ni Hesus sa Bibliya ang Talatang nasa itaas na ang ibig sabihin ay MAGING ANG MGA ITINAKDANG MALIGTAS AY MAAARI PARING MALINALANG!.
Sa kabila ng paniniwala kong ito, alam ko parin sa aking sarili na mayroong hangganan ang aking mga ginagawa para sa isang tao. Alam ko na hindi ako ang makakapag pabago sa kanyang tadhana, wala akong kapangyarihan na baguhin ang kalagayan ng kanyang kaluluwa, at hindi ako Diyos upang agawin ang kanyang kaluluwa sa kanyang pagpunta sa impyerno. Alam ko na ang aking responsibilidad lamang ay hanggang sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos.
Gayunpaman HINDI NAMAN MASAMA NA PILIT MONG GABAYAN ANG ISANG MAPAG-MATAAS NA BULAG UPANG MAKATAWID SIYA SA KALSADA NG LIGTAS. Alam ko kung ang isang tao ay naliligaw, alam ko kung ang kanyang sinasabi ay naka ayon sa kanyang conviction o naaayon lamang sa mga itinuturo sa kanya. Alam ko kung ang isang tao ay nagsusumikap maunawaan ang BIbliya upang magamit ito sa paglilingkod sa kapwa at alam ko din kung ang motibo lamang ng tao sa kanyang pagpapakadalubhasa ay puro pang personal na benepisyo lamang tulad ng pagkakaroon ng maraming taga sunod, upang pagmukhain ang kanyang sarili na mas magaling kaysa sa iba, at kung para lamang pagkakitaan ang kanyang pangangaral sa paraan ng pagbebenta ng kanyang mga gawa, pag po promote ng negosyo, o maging sa paglustay ng pera ng Simbahan.
Sa tulong ng Banal na Espiritu ay nalalaman ko ang mga ito sa tuwing kakausapin ko ang isang tao hindi dahil ako ay Diyos bagkos dahil NAHUHULIG ANG ISANG ISDA SA PAMAMAGITAN NARIN NG KANYANG BIBIG. Gayunmpaman, kadalasan ay mas interesado pa akong mag ubos ng oras sa isang malakas at matapang manindigan sa doktrinang mali kahit pa medyo may kagaspangan ang kanyang pag-uugali kaysa naman sa taong napaka bait pero wala pa talagang kauhawan na nararamdaman para sa kanyang kaluluwa.
Alam kong ang Salita ng Diyos ay makapangyarihan subalit may pagkakataon na katulad ng isang pako… dadating at dadating sa punto na medyo lalakasan mo na ang pag pukpok upang tuluyang bumaon ng husto at diretso ito sa kanyang dapat pag-lagyan.
Sa bandang huli, sa lahat ng mga negatibong nakukuha ko sa kabila ng lahat ng aking pagsusumikap ay alam ko sa sarili ko na wala akong ibang motibo kundi ang maitaas ang Panginoon at maging instrumento ang aking buhay para sa kaligtasan ng iba sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tamang pang-unawa. Sa bandang huli masaya akong ipag-sigawan na natagpuan ko ang aking sarili na isang MANG-MANG sa harap ng Panginoon, isang walang kwentang tao subalit nabigyan ng Diyos ng puwang sa mundo at higit sa lahat ay sa Kanyang Kaharian.
Hindi kailanman ako magpapaka buti dala ng ka impokritohan upang maging mabait ako sa paningin ng iba. Ito ay dahilan sa ayaw kong ang tao ay tumanggap ng Salita ng Diyos dahill sa aking kabaitan ko kagandahan ng aking pag-uugali.
Naniniwala ako na karamihan sa mga hinirang ng Diyos na maligtas ay nasa mga maling paniniwala ngayon dahilan sa si Satanas ay hindi mag gugugol ng panahon lituhin o dayain ang mga hindi pinili maligtas bagkos yung mga taong naka takdang maligtas ang kanyang pinag-susumikapang linlangin. Maaari mo itong ihambing kung papaano sinubukan ng Dyablo e corrupt ang sangkatauhan sa pamamagitan ng pakikipag talik sa mga tao ng mga Isinumpang mga Anghel upang masira ang linya ng dugo na panggagalingan ng Messiah. Gayunpaman ay hindi parin siya nagtagumpay at lumabas parin ang Messiah.
Dahil sa kanyang pagka bigo tungkol sa paglabas ng tagapag-ligtas… mga hinirang na mga tao (elected people) naman ang kanyang pinagsusumikapan linalangin. Ang tunay na lingkod ng Diyos ay nakakaramdam ng tunay na pressure sa kanyang ginagawa….nararamdaman niya na siya ay hindi lamang mamamahayag kundi Sundalo siya ng Panginoon. Ephesians 6:10 to 18
12 For our struggle is not against flesh and blood, but against the rulers, against the authorities, against the powers of this dark world and against the spiritual forces of evil in the heavenly realms. 13 Therefore put on the full armor of God, so that when the day of evil comes, you may be able to stand your ground, and after you have done everything, to stand. 14 Stand firm then, with the belt of truth buckled around your waist, with the breastplate of righteousness in place, 15 and with your feet fitted with the readiness that comes from the gospel of peace. 16 In addition to all this, take up the shield of faith, with which you can extinguish all the flaming arrows of the evil one. 17 Take the helmet of salvation and the sword of the Spirit, which is the word of God.
Dahil nauunawaan ko ang mga bagay na ito ay hindi ako nagdalawang isip na alisin ang bumabalot na pride sa aking katawan. Hindi na sa akin mahalaga kung ako ay magmukhang mababaw, bobo, o kaya naman ay hindi edukado sa kabila ng mga bagay na noon ay madalas kong ipag malaki sa iba. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang maunawaan ako ng mga KAPWA KO PILIPINO dahil alam kong ginawa ako ng Diyos na isang Pilipino unang una ay para maglingkod sa kapwa ko Pilipino.
Kaya naman nalulungkot ako kapag may mga nakikita akong mga Pilipinong nagsasabi na “lingkod sila ng Diyos” subalit puro pagmamataas ang makikita mo sa kanilang pamamaraan. Puro Ingles ang pananalita, ang pananamit ay sobrang magara na halos hindi na magawang lapitan ng walang pinag-aralan, at ng mga likhang artikulo ay para naring Diyos kung minsan…. ANG HIRAP MAINTIDIHAN dahil ang simple ay pinapahirap pa.
Hindi ko alam kung bakit nila ito ginagawa, dahil ba para mas maramdaman ng ibang tao ang personal nilang kakulangan sa pang-unawa at mas lalo silang magpa sailalim sa implwesiya ng kanyang pag-tuturo? Hindi ba dapat ang maging adhikain ng mangangaral ay ang maturuan niyang lumakad ang kanyang mga tinuturuan ng independent at may matibay na pundasyon sa Salita ng Diyos? at ng sa gayon ay mas ma establish nila ang kanilang perpektong personal na relasyon sa Panginoon?.
Sa kabila ng aking mga nalalaman ay palagi ko paring ihinahanay ang sarili ko sa mga “mangmang” dahil ito ang nagbibigay sa akin ng dahilan na patuloy na magpa kumbaba sa Panginoon. Ito din ang magpapaalala sa akin sa tuwing gagawa ako ng mga aral ay dapat kong ilagay ang sarili ko sa kaisipan ng nakararaming MANG-MANG kaya nararapat lamang na maunawaan nila ang lahat ng mga ginagawa ko.
Hindi ko kailanman masasagot ang lahat ng katanungan patungkol sa Bibliya, subalit sa mga bagay na lubos kong nauunawaan ay sigurado akong kaya kong itaya ang aking buhay. Marami mang magalit sa akin ay nararamdaman ko naman na nalulugod sa akin ang Panginoon at maging MALI man ako sa paningin nila ay nakatitiyak akong TAMA ang Diyos na pinananampalatayanan ko.
Mga kapatid na lubos na nagpapasakop sa Panginoon at nagpapa kumbaba ng tunay sa Kanya, magpatuloy kayo sa inyong ginagawa,,, huwag kayong titigil sa paglago, maging matapang sa inyong pinaniniwalaan at higit sa lahat ay palagi ninyong bantayan ang inyong mga sarili dahilan sa bagamat bigay ng Diyos ang lahat ng perpekto at magagandang bagay tulad ng yaman, talino, at dedication…iyan din naman ay maaaring magdala sa inyo sa pagka lihis ng pang-unawa tulad ng mga nangyari sa maraming tao ngayon.
Manatili lamang sa kung anong sinasabi ng Bibliya, magpatuloy sa pag-aaral at pag-lago, at huwag iiwasan ang mga aral sa Bibliya na kung minsan ay umuusig mismo sa naka gawian mong paniniwala. Ang tunay na anak ng Diyos ay marunong tumanggap ng Salita niya at ang sinumang hindi tumanggap sa Salita o sa Pangangaral ng Salita ng Diyos ay kasuklam suklam.
Luke 9:26
“ For whoever is ashamed of me and of my words, of him will the Son of Man be ashamed when he comes in his glory and the glory of the Father and of the holy angels.”
Ang kabaitan o kabutihan ay katangian ng ating Diyos na dapat natin taglayin. Gayunpaman bilang isang kawal niya ay dapat maunawaan mo din ang halaga ng tapang dahil hindi katawan ang matindi nating kalaban sa panahon ngayonbagkos ang espiritu ng dyablo, ang dyablo na maging ang kabutihan at kabaitan ay kaya niyang gamitin para sa kanyang panlilinlang. Matthew 7:15
Jesus said “Beware of false prophets, who come to you in sheep's clothing but inwardly are ravenous wolves.
Mas marahirap ang labanan sa panahon ngayon, dahil na mga UNBELIEVERS an gating mga hinahabol bagkos yung mga nagpapa kilalang “Believers” subalit hindi naman talaga nakapundasyon ng tama sa Aral ng Bibliya.
Ang pagsusumikap natin ay para sa mga itinakdang maligtas na hindi sila malinlang. Kaya hindi mo maaaring tawagin ang sarili mo na lingkod o anak ng Diyos kung ikaw mismo ay hindi naniniwala na mayroon talagang mga naka takdang maligtas.
WARNING: Celso Jacinto Biboso made this note and was not rated by users as credible.